Hindi nagsayang ng panahon ang administrasyon para lamang kay Vice President Leni Robredo.
Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag ni Robredo na mas pinagtutuunan pa ng pansin ng punong ehekutibo na atakihin siya habang nangungulelat naman ang bansa pagdating sa bakuna laban sa coronavirus disease 2019.
Iginiit ni Roque, tuluy-tuloy lang ang kanilang pagtatrabaho habang tuloy naman sa pamumulitika si Robredo dahil walang tigil ang birada nito sa administrasyon.