Agence France-Presse

 Ipinagtanggol ni Prince William nitong Huwebes ang British royal family matapos silang akusahan ng kanyang nakababatang kapatid na si Prince Harry at asawa nitong si Meghan Markle ng racism sa isang bombshell interview na napanood sa buong mundo.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“We’re very much not a rac­ist family,” sinabi ni William sa reporters sa pagbisita niya sa isang multi-racial school sa isang deprived area ng east London.

Idinagdag ng Duke of Cam­bridge, anak ng tagapagmana ng trono na si Prince Charles, na hindi pa niya nakakausap si Harry na nasa California mula nang unang ipinalabas ang panayam sa United States noong Linggo. “No, I haven’t spoken to him yet, but I will do,” aniya.

Isang hinihintay na pahayag mula kay Queen Elizabeth II na inisyu noong Martes ay nakipagkasundo sa kanyang apo at sa asawa nito na mixed-race, matapos ang panayam sa US chat show host na si Oprah Winfrey.

Ngunit binigyang diin din ng reyna na “some recollections may vary,” tulad ng sinabi ng Buckingham Palace na titingnan ang pahayag ng mag-asawa na tinanong ng isang hindi tinu­koy na royal kung gaano kaya kaitim ang balat ng kanilang hindi pa isinisilang na anak na si Archie.

Si Charles ay hindi pa nag­komento sa kontrobersya ngunit kinunan noong Martes na nagli­bot sa isang Nigerian Christian church sa London na ang mga pastor ay nagtataguyod ng isang paghimok upang mabakunahan ang mas maraming mga itim na tao laban sa coronavirus.

Sa panayam, sinabi din ni Harry na ang kanyang ama at kapatid ay “trapped” sa isang hidebound na institusyon.