BROOKLYN (AFP) – Walang Kevin Durant, walang problema sa Nets. At tila hindi na rin kailangan ang lakas ni Blake Griffin.

Ginapi ng Brooklyn Nets, sa pangunguna ni Kyrie Irving na may 40 puntos, ang Boston Celtics, 121-108, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Nag-ambag si James Harden ng 22 puntos at 10 rebounds para sa Nets na umabante sa 25-13, tampok ang 12 sa huling 13 laro. Nananatiling nagpapagaling sa kanyang injury si Durant, habang hindi muna pinalaro ang bagong recruit na Griffin.

Nanguna Jayson Tatum sa Celtics, natuldukan ang four-game winning streak, sa naiskor na 31 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

BUCKS 134, KNICKS 101

Sa Milwaukee, sinundan ni Giannis Antetokounmpo ang MVP performance sa nakalipas na All-Star Game sa naitalang ika-limang triple-double ngayon season sa dominanteng panalo ng Milwaukee kontra New York.

Hataw si Antetokounmpo sa natipang 24 puntos, 10 rebounds at 10 assists sa unang laro matapos ang All- Star.

76ERS 127, BULLS 105

Sa Chicago, naisalba ng Philadelphia ang hindi paglalaro nina stars Joel Embiid at Ben Simmons nang patumbahin ang Chicago Bulls.

Ratsada si Tobias Harris sa natipang 24 puntos para Philadelphia, habang humugot si Dwight Howard ng season-high 18 puntos at 12 rebounds.

Kumabig si Lauri Markkanen ng 23 puntos para sa Bulls.

Sa iba pang laro, ginapi ng Miami Heat ang Orlando Magic, 111-103; naungusan ng Charlotte Hornets ang Detroit Pistons, 105-102; nalusutan ng Atlanta Hawks ang Torontop Raptors, 121-120; nilapa ng Minnesota Timberwolves ang New Orleans pelicans, 135-105.