ni Marivic Awitan
KINILALA ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga natamong karangalan at kontibusyon ng mga kababaihang lider, atleta,coaches, empleyado at mga ina sa pamamagitan ng kanilang virtual programs kaugnay ng pagdiriwang International Women’s Month.
Mismong si PSC Chairman William “Butch” Ramirez ay nagbigay pansin sa hindi ordinaryong papel ng mga kababaihan sa paglikha ng mga pagbabago at pag-unlad ng ating bansa.
“To all women, grandmothers and mothers, you deserve equal rights, equal treatment and equal opportunity,” ayon kay Ramirez. “In war, in calamities, in a pandemic, even in sports competitions, women play very important roles.”
“Today is an opportunity to reflect and admire women for their constant strength and resilience,” aniya. “Their help shapes us as persons and as a nation. For all the things you do, thank you and I wish you all a happy women’s day.”
Sa gitna ng pandemya,nanatiling aktibo at consistent ang PSC sa kanilang mga programa para sa Women in Sports sa pamamagitan ng pagdaraos ng ilang serye ng mga libreng online seminars na nagsusulong para sa gender equality at women empowerment.
“This is our holistic approach to reach out to all the women in the country to be active in our leadership programs and encourage them to live a healthier lifestyle,” ayon PSC Commissioner at for Women in Sports head Celia Kiram.