Ni RICHA NORIEGA

Binalaan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na huwag puntahan ang Taal Volcano Island dahil sa tumitinding pag-aalburoto nito.

Inilabas ng PCG ang babala kasunod nang pagkakaaresto nila sa anim na residente na bumisita sa lugar para lamang mag-live streaming sa Facebook.

Sinabi ng PCG, kabilang sa naaresto ang tatlong menor de edad.

National

Pulong Duterte, kinondena umano’y ‘harrassment’ ng PNP-CIDG sa pamilya nila

“Hinihimok ng PCG Sub-Station Talisay ang mga residente at turista na sumunod sa regulasyon ng lokal na pamahalaan hinggil sa kalagayan ng Bulkang Taal para sa kanilang kaligtasan sa posibleng pinsalang dulot ng tumataas na ‘alert level’ nito,” ayon sa pahayag ng Coast Guard.

Sinabi naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nananatili pa ring nasa level 2 ang alert status ng bulkan dahil sa mga pagyanig nito sa nakalipas na 24 oras.