ni Jun Fabon
Hinamon ng Philippine National Police (PNP) ang pamilya ng siyam na umano’y aktibistang napatay na magdemanda sa sa korte matapos ang ikinasang operasyon laban sa mga rebelde sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal at Quezon (Calabarzon), kamakailan.
Ito ang reaksyon ni PNP spokesman Brig. Gen. Ildebrandi Usana bilang tugon sa mga batikos na nagsasabing isang “masaker” ang nangyari at hindi legitimate operations.
“Kung meron naman din po silang mga ebidensiya we are more than willing to accommodate them, they can file actions against our police officers,” ayon pa kay Usana.
Matatandaang napatay ang siyam na umano’y aktibista nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Calabarzon, kamakailan