Ni ADOR V. SALUTA

Nag-umpisa bilang child star si Angelica Panganiban, kaya’t naniwala siyang ito ang naging daan para maging de-kalibreng aktres siya sa ngayon.

Sa kanyang pahayag, naibida ni Angelica na na bihira lamang siyang kinokorek ng kanyang director pagdating sa aktingan.

“Nung mas bata siguro ako parang pag naglalaro, magulo, ganyan. Pero ngayon parang tanga naman pag napagalitan pa ako ng director. Parang medyo may problema ka siguro nun, ang panget siguro ng work ethics mo. So far naman hindi naman ako napapagalitan. Parang hindi naman din uso yun ngayon. Parang mas dini-direct, mas kino-correct siguro parang pag may ginagawa kang acting, mas tinuturuan,” aniya.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Sa bago niyang pelikulang Love or Money opposite Coco Martin, ipinagmamalaki niyang si Direk Mae Cruz-Alviar muli ang hahawak sa kanya.

Si Direk Mae ang nagdirek kay Angelica sa mga nakaraan nitong projects gaya ng 2019 romantic drama na Unbreakable.

“Yun rin naman ang maganda kay Direk kasi may tiwala ako sa kanya eh. So ‘pag may sinabi siya, parang oo nga naman tama nga naman yun. Minsan kasi nawawala na rin kami sa sarili namin parang gusto na lang din namin matapos. Nakakalimutan namin yung character or yung goal nung eksena, san ba dapat ito papunta?” sey ng aktres. Sa nakaraang Love or Money presscon, nabanggit ni Direk Mae na madaling katrabaho si Angelica na inilarawan niyang “one-take actress”. Hindi na raw kinakailangang ulit-ulitin pa ang ipinapagawang eksena.

Sagot naman ni Angelica,“Sobrang tagal na naming nagsasama ni Direk(Mae). Tingnan pa lang niya ako, naiiyak na ako. Kabisadong kabisado na namin ang isa’t isa. Pero hindi ko nga alam minsan kung compliment yung “take one actress” kasi naiinggit ako sa iba na pag may pinaulit, kaya nilang ulitin. Kaya ako take one actress kasi pag nagawa ko na, hirap akong ulitin yun. So feeling ko mas talented yung mga kaya nilang ulit-ulitin yung mga eksena di ba? Aaralin ko pa yun. Ako minsan naiinis sa sarili ko, minsan kasi yung ka-eksena mo hindi naman nakuha so parang kailangan ulitin di ba?” mahabahaba niyang paliwanag.

Love or Money starts streaming sa Marso 12, with tickets available through KTX.ph, TFC, at SkyCable Pay-Per-View.