TOKYO (AFP) — Minarkahan ng Japan nitong Huwebes ang 10 taon mula nang pinakamalupit na natural na sakuna sa buhay na alaala ng bansa: isang malakas na lindol, nakamamatay na tsunami at nuclear meltdown na nag-iwan ng trauma sa bansa.
Humigit kumulang 18,500 katao ang napatay o nawawala sa sakuna, karamihan sa kanila ay nilamon ng malalaking alon na tumawid sa mga sakayan ng hilagang-silangan na baybayin matapos ang isa sa pinakamalakas na lindol na naitala.
Ang kasunod na nuclear meltdown sa Fukushima Daiichi nuclear plant ay binalot ang mga kalapit na lugar ng radiation, na nagresulta sa maraming mga bayan na hindi na matirhan sa loob ng maraming taon at nagtaboy ng libu-libong mga residente.
Ang araw ay puno ng mga pribado at pampubliko na seremonya, na may isang minuto ng katahimikan na minarkahan sa buong bansa eksaktong 14.46 lokal na oras, ang eksaktong sandali nang maganap ang 9.0-magnitude na lindol noong Marso 11, 2011, na nag-uudyok sa sakuna.
Noong Miyerkules at Huwebes mayroong mga paghahanap sa mga rehiyon ng Miyagi at Fukushima para sa mga nawawala pa rin, dahil ang mga mahal sa buhay ay tumangging talikuran ang pag-asa na matagpuan sila kahit isang dekada pa ang lumipas.
Sa Tokyo, isang pinasimpleng seremonya ng pag-obserba dahil sa patakaran ng virus ang ginanap sa national theatre, kung saan nagtalumpati sina Emperor Naruhito at Prime Minister Yoshihide Suga.
Karaniwang magkahawak ang mga kalahok habang ipinagdarasal nila ang mga nawala sa tsunami, ngunit sa taong ito ay ioobserba nila ang social distancing habang inaalala nila ang mga patay.
Para sa marami, ang anibersaryo ay magiging isang sandali para sa pribadong pagmumuni sa isang trahedya na patuloy na nararamdaman, na may libu-libong mga tao na lumikas sa takot sa radiation ang hindi pa rin nakabalik at halos dalawang porsyento ng Fukushima ay off-limits pa rin.