ni Mary Ann Santiago
Kinumpirma ng alkalde ng San Juan na nagtriple ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naitala nila sa akalipas lamang na 10-araw.
Ayon kay Mayor Francis Zamora, noong Pebrero 17 ay mayroon lamang na 30-aktibong kaso ng COVID-19 ang lungsod.
Nitong Marso 1, tumaas ang aktibong kaso sa 63, gayunman, nitong Marso 10 ay naging triple na ito at umabot na ng 196 kaso, o pagtaas ng 133 bagong kaso.
Sinabi ng alkalde na ang bilang ng mga aktibong kaso sa lungsod ay napakataas kumpara sa mga naranasan nila nitong mga nakalipas na buwan.
Aminado si Zamora na sa ngayon ay hindi pa nila matukoy kung ano ang dahilan nang biglaang pagsirit ng mga bagong kaso