Ni VANNE ELAINE TERRAZOLA
Nais ni Samar 1st District Rep. Edgar Mary Sarmiento na imbestigahan ng Kamara ang umano’y naganap na “engkuwentro” sa pagitan ng pulisya at ng mga tauhan ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino na ikinamatay ng huli at ng apat na iba, nitong nakaraang Lunes.
Partikular na hiningan ng tulong ni Sarmiento ang House Committee on Public Order upang pangunahan ang isasagawang legislative inquiry.
Ang apela ng kongresista ay kasunod nang paniniwala nito na tinambangan ang alkalde.
Nauna nang tinanggihan ni Sarmiento ang pahayag ng PNP na pinaiimbestigahan na nila ang insidente. Aniya, magagarantiyahan lamang ito kung ang mag-iimbestiga ay ang National Bureau of Investigation.
Matatandaang bukod kay Aquino, napatay din ang driver nito at ang pulis na bodyguard nito at dalawa namang pulis sa kabilang grupo