ni Bella Gamotea
Umakyat na sa 89 na barangay ang nasa ilalim ng localized enhanced community quarantine (LECQ) sa Pasay City.
Sa datos na natanggap ng Pasay City Administrator mula sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nadagdagan pa ng 35 na lugar ang isinailalim sa LECQ.
Nasa kabuuang 462 naman ang kaso ng coronavirus diseases mula sa 89 na lugar na pawang magkakasama sa bahay ang nahahawaan.
Nitong Pebrero 25, unang isinailalim sa LECQ ang 56 na lugar dahil sa cluster of cases at mabilis na pagtaas ng mga kaso sa loob ng 14 na araw.