ni Betheena Kae Unite

Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko dahil apektado pa rin ng ted tide ang 11 lugar sa bansa.

Sa pahayag ng BFAR, nananatili pa ring positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) ang coastal area ng Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan; Sorsogon Bay sa Sorsogon; Dauis at Tagbilaran City Bohol; Tambobo Bay sa Siaton, Negros Oriental; Calubian, at Cancato Bay sa Tacloban City, Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) at Ozamiz City sa Misamis Occidental; Taguines Lagoon, Benoni, Mahinog sa Camiguin; Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental; at Lianga Bay at coastal waters ng Hinatuan sa Surigao del Sur. Inihayag pa ng ahensya na hindi ligtas na kainin ang mga shellfish at alamang na nahahango sa nasabing mga lugar.

National

4.4-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental