ni Orly L. Barcla

Hindi na pagmumultahin ang mga lalabag sa health protocols sa Navotas City, ngunit isasalang sila sa swabbing para sa Polymerase Chain Reaction (PCR) test sa COVID-19 swab testing.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, na isa ito sa mabisang paraan para madaling matukoy kung sinu-sino ang at saan lugar ang may pinakamataas na kaso ng nasabing sakit.

Hihilingin ng alkalde sa Sangguniang Panglungsod na magpasa ng resolusyon na nag-aatas na sa halip na magmulta ang mga mahuhuling lumalabag sa health protocols tulad ng hindi pagsusuot ng face mask, face shield, paglabag sa curfew at social distancing, ay kaagad silang isasailalim sa swab test.

Eleksyon

Rep. France Castro, Rep. Arlene Brosas, binisita si Ex-VP Leni sa Naga

Kapag nag-positibo sa COVID-19 ang sinumang mahuhuli, kaagad siya dadalhin sa quarantine facility para sa 14 na araw na isolation. At ang mga kasama niya bahay at huling nakasalamuha ay obligadong i-swab test para mabatid kung ang mga ito ay nahawaan na. Samantala, 10 lugar na sa lungsod ang isasailalim sa granular lockdown para maiwasan ang paglabas ng tao sa lansangan.

Ang Navotas City kasama ang San Juan City ay inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na high risk cities sa Metro Manila dahil sa COVID-19.