ni Mary Ann Santiago
Itinakda ng Department of Education (DepEd) sa huling bahagi ng Marso ang early registration para sa School Year 2021-2022.Itinakdang Department of Education (DepEd) sa huling bahagi ng Marso ang early registration para sa School Year 2021-2022.
Ayon kay DepEd Undersecretary Jesus Mateo, isasagawa nila ang early registration o maagang pagpapatala ng mga estudyante, mula Marso 26 at magtatagal ito hanggang sa Abril 30.
Isasagawa ito sa pamamagitan ng remote registration.
Ang early registration ay karaniwang isinasagawa sa huling linggo ng Enero kada taon ngunit dahil sa adjustment sa school calendar dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay nagbago rin ang petsa ng pagdaraos nito.
Kabilang sa mga maaaring magpatala sa early registration ay ang lahat ng incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 students sa lahat ng pampublikong elementary at secondary schools.
Layunin ng early registration na mabigyan ang departamento na makapagsagawa ng mga kaukulang paghahanda at adjustment para sa pasukan.