ni Mary Ann Santiago

Makakaasa ang consumer ng Manila Electric Co. (Meralco) ng mas mababang electricity bills ngayong Marso, sa pagtapyas ng halos 36 sentimo kada kilowatt hour (kWh) na singil.

Ayon kay Meralco Spokesperon Joe Zaldarriaga, magpapatupad sila ng P0.3598 per kWh na bawas sa singil sa kuryente, kaya’t magiging P8.3195/kWh na lamang ang overall power rate ngayong Marso mula sa dating P8.6793 noong Pebrero.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na nagpatupad ang power distribution firm ng power rates reduction, at pinakamababa simula noong Agosto 2017.

National

Atty. Kaufman, pinuri pag-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD

Sinabi ng electric company na ang P0.3598/kWh rate rollback ay katumbas ng P72 na bawas sa bayarin ng mga residential customers na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan at P108 sa bayarin ng mga nakakagamit ng 300kwh kada buwan.

Makakatipid naman ng P144 ang mga bahay na gumagamit ng 400kwh kada buwan habang P180 ang mababawas sa bayarin ng mga kumukonsumo ng 500kwh kada buwan. Ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ay ang pagsisimula ng pagpapatupad nila ng Distribution Rate True-Up refund ngayong buwan, na aabot sa P13.9 bilyon.

Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang panukala ng Meralco na isagawa ang naturang refund sa loob ng 24 buwan o hanggang sa tuluyan nang maisauli sa consumers ang naturang halaga