Ni DANTE A. LAGANA

WALANG patumpik-tumpik kung sumagot ang TV host-actor na si Xian Lim sa mga ibinatong katanungan ng mga entertainment press sa recent virtual mediacon ng bagong game show niyang 1000 Heartbeats-Pintig Pinoy ng TV5 gawa mula sa VIVA Entertainment na mapapanood simula sa March 21, Linggo ng 8 p.m. Makakasama ni Xian ang komedyanteng si Chad Kinis para sa aliw factor ng show. Kasabay ng naganap na mediacon ang The Wall Philippines ni Billy Crawford na mapapanood simula sa March 13 ng 6 p.m. sa TV5.

Events

Ahtisa Manalo, wagi sa Miss Universe Philippines 2025!

Sa tema ng game show ni Xian obvious na may kabang kaakibat. Kaya naman sumundot ng tanong ang Balita kay Xian ng kung ano nga ba ang nagpapatindi ng pintig ng puso ng aktor?

Aniya, “Ang ganda ng tanong, ang ganda ng tanong. Ah siguro from the top of my head I think it’s more of yung pinaka kinakabahan talaga ako kunwari like first day of work gagampanan ko ang isang character na medyo hindi ko pa kabisado yung mga kilos niya. I think that’s one but after that yung mga makabag damdamin talaga I think yun e being on set and knowing na hindi dapat ako makampante sa ginagawa.

Kabilang din sa isinagot ni Xian ang nakakalungkot na pangyayaring nilooban ang kanyang bahay nitong nakaraang January. Sabi niya, “Isa sa mga makabag damdamin na nangyari rin sa akin is I guess nung pinasok yung bahay ko. That’s one na parang hindi ko talaga makakalimutan at really to start of 2021 para sa akin talagang tumigil. Naalala ko pa nung pumasok ako sa bahay parang halos tumigil ang pagtibok ng puso ko. Parang grabe hindi ko akalain mangyayari sa akin.”

Sa nakakapanlumong karanasan ng pagnanakaw sa pamamahay ni Xian nagdulot ito ng mga haka haka, reaksyon at opinyon ng mga netizens na kaya raw umabot sa ganoon dahil kesyo nai-vlog daw ni Xian ang bahay nito bago ang insidente. Kumbaga naging open daw kasi in public sa Youtube channel ni Xian ang bahay ng aktor. Kaya naman humingi tayo ng reaksyon kay Xian kung adviseable ba ang house tour sa pagvovlog. Ani Xian, “Para sa akin people are always gonna find something to blame. I did read a couple of articles na sinasabing “baka” ang masama or hindi tama ang pagvlog ng mga kagamitan or ng ganito at ganyan. But hindi puwedeng mabaleng ang kasalanan doon sa victim diba ang puno’t dulo niyan is hindi tama ang magnakaw diba. So I think vloggers are gonna do what vloggers have to do ‘di ba? So hindi siya mali para sa akin.

Until now wala pa rin daw alam si Xian kung sino ba ang mga gumawa ng pagnanakaw sa bahay niya. Ang importante nakapag-file sila sa nangyari. Pagpapagod lang daw kung hahanapin pa ang mga taong medyo mahirap nang hanapin. Giit niya ayaw na niyang mangyari ito. Paalala naman niya sa mga tao na be safe raw lalo na sa mga pamilya at mag-ingat na lang lalot mahirap ang mga panahon ngayon.