Ni ELLSON QUISMORIO

Nakatakda na namang suspendin ang operasyon ng sinehan sa Metro Manila dahil sa tumataas na kaso ng nahawawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga nakaraang araw.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, kahapon at sinabing nakatakdang pirmahan ng mga alkalde na pawang miyembro ng Metro Manila Council (MMC) ang isang resolusyon upang ipatigil muna ang operasyon ng katulad na mga establisimyento dulot na rin ng nakaalarmang pagtaas ng COVID-19 cases.

“Ang term is ‘temporarily suspended’ ang movie (houses), cinemas, and the arcades. Ito’y magkakaroon ng resolusyon, iikot ito at pipirmahan tomorrow,” pahayag ni Abalos.

Eleksyon

Camille Villar, bahagi pa rin ng ‘Alyansa’ ni PBBM

Paglilinaw nito, pansamantala lamang ito at ang iba pang hakbang ng MMC ay nakadepende na sa binabantayang nahahawaan ng virus.

Matatandaang binuksan ulit ang mga sinehan sa National Capital Region noong Marso 5 kahit 25 pporsiyento lamang ang kapasidad ng mga ito.

Binanggit ni Abalos ang active COVID-19 cases sa Metro Manila na mula sa 3,700 nitong nakaraang linggo ng Pebrero hanggang 6,600 ngayong linggo.

“Talagang may upsurge. To use the term is medyo alarming, hindi siya normal,” sabi pa nito.