ATLANTA (AFP) — Kung nakabili ka ng tiket para sa 2021 NBA All-Star Game, para ka nang naka-jockpot sa lotto.
Mapapanood ang three-point shootout, slam dunk contest ang All- Stars rivalry sa isang magdamag sa gaganaping All-Star Game sa tinaguriang ‘new normal’.
Bilang bahagi ng ‘safety and health’ protocol, ang dating All-Star weekend activity ay ipinakete na sa 3-in-1 activities sa Atlanta, ang ipinalit sa orihinal na host na Indianapolis.
Sa kaagahan, mas marami ang hindi sang-ayon. Ngunit bahagi na ng tradisyon at commitment ang All-Star Game. Mismong ang Atlanta Mayor ay hindi nagustuhan ang kaganapan kung kaya’t ipinag-utos niya ang 12-hour shift sa mga indibidwala na makikibahagi sa programa para maabatan ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa kabila nito, nakatuon ang pansin ng mundo sa pinakahihintay na palabas Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) para sa one-night-only sa State Farm Arena.
“All-Star is part of our league. It’s no different than all the other games we play,” pahayag ni Commissioner Adam Silver. “It begins and ends with the fans. This is an event the fans love to see. They love to see the players come together.
“But,nothing comes without controversy in a pandemic,” aniya.
Gayunman, marami ang hindi sang-ayon dito, kabilang na ang premyadong si LeBron James na inilarawan ang All- Star bilang “a slap in the face” sa mga players na halos hindi pa nakakarekober sa ginanap na ‘bubble event’ sa nakalipas na taon.
“Look what we made happen, what our voices made possible,” pahayag ng Los Angeles Lakers star sa kanyang 51- second ad na ipinalabas isang araw bago ang All-Star. “And now, look what they’re trying to do to silence us, using every trick in the book and attacking democracy itself. Because they saw what we’re capable of, and they fear it.”