ni Mary Ann Santiago

Magandang balita dahil magkakaloob ng libreng sakay para sa kababaihan ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong araw, Marso 8, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon kay MRT-3 director for operations, Michael Capati, nakagawian na nilang gawin ang hakbang na ito kada taon bilang pagpupugay sa mga kababaihan.

“Every year, nagbibigay kami ng free ride sa lahat ng female passengers natin,” pahayag pa ng opisyal.

Kampo ni PSMS Mollenido, nilinaw na hindi siya inaresto kaugnay ng pagpatay sa mag-ina niya

Maaaring i-avail ang libreng sakay mula 7:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga at mula 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi ngayong araw.