NAKABALIK sa kontensiyon ang Laguna Heroes matapos matalo sa Caloocan Loadmanna Knights matapos maitala ang panalo kontra sa Cavite Spartans nitong Sabado sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament sa new platform chess.com.

Ipinakita ng Barangay Malamig, Mandaluyong City native Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla ang kanyang husay sa endgame para pangunahan ang Laguna team sa 17.5-3.5 tagumpay kontra sa Cavite.

Panalo ang Arizona, US based sa blitz sa 34 moves ng London System Opening at angat din sa rapid sa 42 moves ng Double Fianchetto Opening kontra kay Arena Grandmaster Voltaire Marc Paraguya sa kanilang Board 1 encounter.

“I have to train hard for this competition, give my best, and give a good show,” sabi ni Barcenilla, two-time (1989 at 1990) Asian Juniors champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania na suportado ang kanyang kampanya nina Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Alfredo “Fred” Paez, engr. Benjamin Dy, engr. Jonathan Mamaril at Mr. David Nithyananthan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Namayani din si Fide Master Austin Jacob Literatus kontra kay Lloyd Rubio sa blitz sa 39 moves ng King’s Indian defense at sa rapid sa 48 moves ng Benko gambit defense sa Board 2 clash.

Ang Team Laguna na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at ng Rotary Club of Nuvali ay panalo sa blitz, 5.5-1.5, at sa rapid, 12-2.

Dahil sa natamong panalo kontra sa Cavite Spartans, ang Laguna Heroes ay nanatili sa liderato sa Northern Division na may 23-4 slate at naghatid sa three-way tie kasama ang Caloocan Loadmanna Knights at San Juan Predators