ni Marivic Awitan

ANG komposisyon ng koponan ng Philippine Dancesport Federation (PDSF) noong nakaraang 30th Southeast Asian (SEA) Games, ang team na isasabak nila sa darating na 31st edition ng biennial meet sa Vietnam.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng PDSF sa isang memorandum na inilabas nila nitong Sabado.

Base sa memo, ang mga tambalan nina Angelo Marquez at Stephanie Sabalo, Wilbert Aunzo at Pearl Caneda, Sean Aranar at Ana Nualla, at sina Mark Gayon at Mary Joy Renigen ang muling magiging kinatawan ng Pilipinas sa kompetisyon ngayong taon kung saan tangkain nilang duplikahin ang naitalang dominasyon ng mga Pinoy sa event noong 2019 nang idaos sa bansa ang biennial games.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“As PDSF is unable to hold competitions (dancesport being considered a contact sport) due to the Covid-19 (coronavirus disease 2019) pandemic, the board of directors of PDSF has unanimously decided that the same athletes who represented the Philippines in the 30th SEA Games shall likewise be the official participants in the dancesport events,” ayon sa memorandum na inilabas ng PDSF. Ang nasabing apat na pares ay umani ng sampung gold medals mula sa kabuuang 12 gold medals na pinaglabanan sa 30th SEA Games dancesport event. Nakamit naman ng mga Vietnamese tandems nina Nguyen Doc Hoa at Nguyen Thi Hai Yen at nina Nguyen Doan Minh Truong at Nguyen Trong Nha Uyen ang dalawa pang gold medals para sa quick step at jive, ayon sa pagkakasunod