Ni JOSEPH PEDRAJAS

Isang pulis ang naiulat na dinukot ng mga armadong hindi nakikilalang lalaki sa Norzagaray sa Bulacan, nitong Biyernes ng umaga.

Sa panayam, sinabi kahapon ni Police Regional Office-3 (PRO-3) Director Brig. Gen. Valeriano De Leon, kaagad na niyang iniutros ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa pagdukot kay Cpl. Nikkol Jhon Santos, nakatalaga sa Pandi Municipal Police Station.

Sinabi ng pulisya, sakay si Santos ng kanyang motorsiklo, kaangkas ang dalawa pang pulis nang harangin sila ng isang Starex van sa Sitio Padling sa bgy. Matictic, dakong 7:00 ng umaga. Sa imbestigasyon, bumaba ng van ang mga suspek at tinutukan ng mahahabang baril ang tatlong pulis at pinadapa bago sila pinosasan.

Eleksyon

Comelec, pinadidiskwalipika si Pasay mayoral bet Manguerra dahil sa 'bumbay' remark

“Afterwhich, suspects dragged the victim [Santos] inside the van and headed towards unknown direction, while the two others were left still with handcuffs,” ayon sa pulisya.

Nangako naman si De Leon na gagawin nila ang lahat ng imbestigasyon upang matukoy ang mga suspek at motibo sa pagdukot.

“We continue to solicit the support of the general public in order to maintain peace and order, safety and security of our communities,” sabi pa nito.