Agence France Presse

Sinabi ni Meghan Markle na “liberating” ang pakiramdam na makapagsalita tungkol sa kanyang buhay sa British royal family sa isang sipi na inilabas nitong Bi­yernes ng kanyang pinakahihintay na panayam sa US host na si Oprah Winfrey.

Pinoy voice actor na si Jefferson Utanes, pumanaw na

Si Meghan at asawang si Prince Harry, na ikinasal sa isang fairytale wedding noong 2018, ay bumaba mula sa frontline na mga tungkulin sa reyna noong nakaraang taon, sa bahaging sinisisi ang panghi­himasok ng media sa kanilang desisyon na lumipat sa Hilagang Amerika.

Gayunpaman, ang mga pa­hayag ni Meghan laban sa insti­tusyong British na sinipi mula sa tell-all chat ay lalong nagpapalakas sa nag-iinit na labanan sa relasyon sa publiko sa pagitan ng royal family at ng mag-asawang nakabase sa US.

“As an adult who lived a really independent life, to then go into this construct -- that is different than Ithink what people imagine it to be -- it’s really liberating to be able to have the right, and the privilege in some ways, to be able to say ‘Yes, I’m ready to talk,’” sinabi ni Meghan nang tanungin siya ni Oprah na pinili niyang ngayon magsalita.

“We have the ability to make our own choices in a way that Icouldn’t have said ‘yes’ to you then. That wasn’t my choice to make,” dugtong niya.

Ang mga clip na inilabas ng US broadcaster na CBS ay dumating matapos sabihin ng Buckingham Palace na sinisiyasat nito ang mga akusasyon na binu-bully ni Meghan ang mga tauhan ng royal household sa kanyang panahon sa Britain.

Inakusahan ni Meghan ang Brit­ish royal family ng pagbebenta ng kasinungalingan laban sa kanya at kay Harry sa isang nakaraang sipi.

“Idon’t know how they could expect that after all of this time we would still just be silent if there’s an active role that ‘The Firm’ (royal family) is playing in perpetuating falsehoods about us,” sinabi niya kay Oprah.