ni  Mary Ann Santiago

Kinumpirma ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na nagkakaroon na naman ng upward trend o pagdami ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na naka-confine sa mga pagamutan nitong mga nakalipas na linggo.

“We have been receiving reports na meron talagang pagtaas ng mga numero ng mga pasyente sa ating mga ospital for COVID-19 cases,” pag-amin ni DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang public briefing.

Gayunman, dinismis niya ang ideya na ang nagaganap ay ikalawang wave na ng COVID-19.

Eleksyon

Comelec, pinadidiskwalipika si Pasay mayoral bet Manguerra dahil sa 'bumbay' remark

“Ang sinasabi namin there is a marked increase of cases. We are not going to say na it’s a ‘wave,’ it’s a ‘surge.’ Wala na ho tayong mga terminology na ganyan dahil naguguluhan po ang ating mga kababayan,” paliwanag pa niya.

Nilinaw din niya na ang vaccination rollout na isinasagawa ng local government units (LGUs) ay walang kaugnayan sa naturang pagtaas ng mga kaso ng sakit sa kasalukuyan.

“Definitely not. Ang bakuna po at ang vaccination ay makakaprotekta. Hindi ‘yan magbibigay sa atin ng mga negative outcomes katulad ng pagtaas ng kaso,” aniya pa.

“Kung saka-sakaling iniisip nila na dahil doon sa mga ceremonial na naisagawa, kung ‘yan ang pinupunto natin, we need to wait for another two weeks to see kung magkakaroon ng pagtaas ng kaso dahil sa nangyaring events na ito,” dagdag pa ni Vergeire.