ni Bella Gamotea

Sa kulungan ang bagsak ng isang Briton matapos arestuhin ng pulisya makaraang pilitin umanong gumamit ng iligal na droga ang kasamang babae sa loob ng isang hotel sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Coercion ang kakaharapin ng dayuhang si Joseph Ruban, 62, publisher, at taga-23A Gateway Regency Condominium, Cybergate Street, Bgy. Ilaya, Mandaluyong City.

Inireklamo siya ng biktima na si Joyce Ann Catacutan, 22, therapist, taga-Ilang-Ilang St., Ismar Purok 6, Kalawaan, Pasig City.

Probinsya

Walo sa 10 biktima sa SCTEX road crash, patungong 'children's camp’

Sa ulat ni M/Sgt. Jayson Cordero, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa loob ng isang hotel sa EDSA, Bgy. Guadalupe Nuevo, dakong 3:00 ng madaling araw.

Nauna rito, nagpapatrulya Corporal Romel Mangosing at Cororal Vince Bayani Esto sa lugar nang makatanggap sila ng report na isang babae ang pinupuwersa ng suspek na pagamitin ng iligal na droga.

Nang arestuhin, nasamsam sa suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs.