ni Bella Gamotea
Inaasahang magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 50 hanggang 60 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, 40-50 sa presyo ng diesel at 10-20 sentimos naman sa gasolina.
Ang nakaambang bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong Marso 1 huling nagtaas ang oil companies ng P1.00 sa presyo ng gasolina, P0.85 sa presyo ng diesel at P0.70 sa presyo naman ng kerosene.