ni Marivic Awitan

KINUMPIRMA ng NorthPort management ang napagkasunduan trade ni Fil-German Christian Standhardinger kapalit ni Greg Slaughter ng Ginebra San Miguel.

Iginiit ng NorthPort na hindi pa lumalagda ng kontra si Standhardinger kaya’t napagdesisyunan itong i-trade kapalit ng nagbabalik na dating Ateneo star.

“It was a good trade, beneficial to both teams,” ayon sa opisyal na pahayag ng NorthPort.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Nakapaglaro si Slaughter ng anim na seasons sa Ginebra Kings, ngunit hindi siya kasama sa Kings nang magkampeon sa bubble season laban sa TNT Tropang Giga.

“The team is thrilled to have him in the team, knowing he worked hard in the US to polish his game,” sambit ng NorthPort

Samantala, binuhay ng nagretiro nang si Kelly Williams ang basketball career sa koponan ng TNT.

Kinumpirma nitong Huwebes ni TNT team manager Gabby Cui ang paglagda ni Kelly ng dalawang taong kontrata sa TNT na magsisilbing reunion nila ng nagbabalik ding coach na si Chot Reyes.

“Welcome back Kelly, great to have you back,” pahayag ni TNT team governor Ricky Vargas sa inilabas nilang official statement.