ni Beth Camia

Lumutang na sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tauhan ng Quezon City Police District na umano’y sangkot sa naganap na “misencounter” sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, kamakailan.

Dala ang kanilang affidavit, dumiresto ang mga ito sa opisina ni NBI-National Capital Region (NCR) Director Cesar Bacani upang sumailalim sa pagtatanong.

Nakapaloob sa kanilang affidavit ang tungkol sa naganap na “misencounter” na ikinamatay ng limang indibidwal mula sa hanay ng magkabilang panig.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Kamakailan ay nagtungo na rin ang mga pulis-QC sa NBI, gayunman, bigong makarating ang kanilang abogado kaya naudlot ang pagtatanong sa mga ito.