ni Marivic Awitan

INIURONG sa Hulyo ang pagsisimula ng Philippine Football League (PFL) 2021 season bilang pagbibigay-daan sa pagdaraos ng Asian Football Confederation (AFC) Champions League na inilipat naman sa buwan ng Abril.

Ayon kay PFL Commissioner Coco Torre kamakailan lamang inanunsiyo ng AFC ang bagong Champions League schedule na Abril 7 - 17 para sa preliminaries at Abril 17 hanggang Mayo 7 para sa group stages.

Dalawang lokal na mga koponan-ang United City at Kaya-Iloilo ang nakatakdang maglaro sa Champions’ League makaraang tumapos na 1-2 sa nakaraang PFL season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are now eyeing to start the season in July as we would also want a clear path heading towards the resumption of the league which will be celebrating its fifth season,” paliwanag ni Torre. “We have a very slim window in May as we’re still deliberating on whether to play that short time [in May] or just focus our sources to a much bigger and longer league starting July.” Ayaw din anila ayon kay Torre na makasabay ang schedule ng World Cup Qualifiers sa Hunyo kung saan ipagpapatuloy ng Philippine Azkals ang kanilang pagtatangkang makaabot sa global stage.