ni Bert de Guzman

Matatanggap na nang mas maaga at mabilis ng nakatatandang mga Pilipino ang kanilang buwanang pensiyon mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay nang pagtibayin ng Special Committee on Senior Citizens sa pamumuno ni Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes ang House Resolution 1047 na humihiling sa DSWD na i-release ang pensiyon ng mga senior citizen tuwing ika-3 buwan sa halip na tuwing ika-6 na buwan na ipinatutupad ngayon.

Ang panukala na inakda ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez ay nagsasaad na “indigent senior citizens need financial assistance at the soonest time especially after the pandemic caused the displacement of many Filipino workers, including senior citizens who are still productive members of society.”

Eleksyon

John Arcilla, pumalag sa mga ‘di sang-ayon sa dalawang kandidatong inendorso niya

Sa pagdinig, inaksiyunan din ng komite ang House Resolution 656 na nananawagan sa imbestigasyon, in aid of legislation, ng umano’y maanomalya at iligal na pagkabalam o kawalan ng disbursement ng social pension fund para sa mga senior citizen.