Ni DENNIS G. PRINCIPE

NAIS patunayan ni Ifugao rising star Carl Jammes Martin na handa na ang kanyang katawan at kaisipan para hangarin ang Philippine superbantamweight crown.

MULING pinahanga ni

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

unbeaten Ifugao boxing

prospect Carl Jammes

Martin (right) ang boxing

fans sa impresibong

5th round knockout win

kontra sa beteranong

si Joe Tejones nitong

February 20, 2021 sa

Binan, Laguna. Ang

laban ang una kay Martin

sa superbantamweight

division. (MP

PROMOTION)

At kung mapagbibigyan, handa ang 21- anyos na labanan si defending Philippine titleholder Mark Anthony Geraldo matapos ang pinakabagong 5th round knockout win laban sa beteranong Joe Tejones nitong Feb. 20 sa Binan, Laguna.

“May mga kritiko kasi na nagsasabi na mahihinang klase daw po ang mga nakakalaban ko. Hindi naman po ako agree sa mga pangliliit nila sa mga nakalaban ko pero ito na din siguro yung tamang panahon na makalaban ako ng isang lehitimong champion,” pahayag ni Martin, tinaguriang ‘Wonder Boy’ at tangan ang impresibong 17-0 karta, tampok ang 15 via knockout.

Sa edad na 29, tangan ni Geraldo ang karangalan bilang ‘conqueror’ ni world superflyweight champion Jerwin Ancajas na nakaharap niya noong 2012 sa Cebu. May kabuuang 50-fight ang pambato ng Valencia, Bukidnon, kabilang ang duwelo kina world champions Nourdine Oubaali ng France (Lost, KO7), Takuma Inoue ng Japan (Lost, UD12) at Puerto Rican McJoe Arroyo (Lost, UD12).

Tangan ni Geraldo ang professional record na 38-9-3, tampok ang 19 via stoppage.

“Step by step po kami sa bawat laban. Bawat mali o kakulangan, itinama namin sa mga huling laban ko. Ngayon, nakita ng team ko pagtapos kay Tejones na ready na sa Philippine championship kaya ito na yung inaayos nila,” pahayag ni Martin, personal na sinasanay ng amang si Abel, habang ang nakatatandang kapatid na babae na si Je-iel ang kanyang manager.

Samantala, ipinaalam na at inaayos ng kampo ni Martin sa Games and Amusements Board )GAB) ang desisyon na sumabak sa superbantamweight upang mapasama na sa rating system ng ahensiya.

Sa kasalukuyan, No.3 si Martin sa bantamweight division, ngunit ang pagkapanalo niya kay Tejones ay naglagay sa kanya sa No.4 ranking ng boxrec.com na gumagamit ng points system sa pagbibigay ng ratings.