Ni ARGYLL CYRUS GEDUCOS
Nanawagan muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na magpabakuna na kaagad at sinabing mahalaga ang kanilang kooperasyon tungo sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

Ito ang reaksyon ni Duterte sa gitna ng pagsusumikap ng gobyerno na maprotektahan ang mamamayan nito laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Inilabas ng pangulo ang pahayag matapos na matanggap ng pamahalaan ang 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines mula sa COVAX Facility, na isang mekanismo na pinangunahan ng World Health Organization (WHO) at nilikha upang magarantiyahan ang mabilisan, patas at madaliang pagkuha ng COVID-19 vaccines sa buong mundo.
Sa kanyang talumpati sa Pasay City, nanawagan ito sa publiko na magpaturok na upang mapigilan pa ang paglaganap ng sakit.
Pinawi rin nito ang pangamba ng publiko laban sa masamang epekto ng nasabing bakuna.
Pumapayag din ito na magpabakuna sa publiko, gayunman,
Sa pagdating ng AstraZeneca vaccine nitong Huwebes ng gabi, umabot na sa 1,087,200 na COVID-19 vaccine ang hawak ng pamahalaan.