ni Fer Taboy

Nasagip ng mga awtoridad ang isang Chinese mula sa mga dumukot sa kanya sa Silang, Cavite, nitong Huwebes ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief, General Debold Sinas at kinilala ang biktima na si Chen Mingjon.

Nailigtas si Mingjon ng mga tauhan ng PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG), sa Bgy. Tibig sa nasabing bayan, nitong Huwebes, dakong 12:30 ng umaga.

Eleksyon

Pagbulusok ni Sen. Imee sa senatorial survey, isinisi sa mababang approval ratings ni PBBM

Ayon kay Sinas, isang Intsik na nakilalang si Jiaqui Chen, 26, ang nag-report sa opisina ng AKG kaugnay ng insidente.

Sinabi ng pulisya na habang iniimbestigahan ang reklamo, nakikipag-usap naman ang mga kidnapper kay Chen at humihingi umano ng 53,000RMB bilang ransom na agad na ipinadala nila sa pamamagitan ng mobile payment.

Matapos na maibigay ang ransom, tumawag umano ang mga kidnapper kay Chen kung saan ipinaalam na pinakawalan na nila ang biktima sa Bgy. Kaong, Silang, Cavite kung saan ito mailigtas ng mga tauhan ng AKG sa tulong na rin ng Silang, Cavite Municipal Police, dakong 9:30 ng gabi. Nang imbestigahan ng pulisya, inihayag ng biktima na dinukot umano ito ng pitong lalaki at babae at dinala sa isang bahay kung saan umano ito piniringan at pinosasan. Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang mga suspek