Ni MARY ANN SANTIAGO

Ikinaalarma na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagdami ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa rehiyon, kung saan nakapagtala sila ng 196 katao na nagpositibo sa sakit sa loob lamang ng isang araw.

Ito aniya ang kauna-unahang pagkakataon na nangyari ito sa lungsod.

Ikinalungkot din ni Moreno na ang kasalukuyang occupancy rate ng six city-run hospitals na may 300 bed capacity sa kasalukuyan nasa 108 na o katumbas ng total na 36 porsiyento.

Eleksyon

John Arcilla, pumalag sa mga ‘di sang-ayon sa dalawang kandidatong inendorso niya

Aniya, ang occupancy rate sa mga quarantine facility ay nasa all-time high na 61 porsiyento naman o 225 na mga pasyente ang umuokupa ng 371 bed capacity.

Aniya, ang napakataas na bilang na 196 na nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw ay kinumpirma ng mismong RT-PCR testing ng lungsod na ibinibigay ng libre sa lahat ng nais magpa-swab.