SINIMULAN ni Filipina tennis sensation at Globe ambassador Alex Eala ang kampanya sa W25 Manacor ng International Tennis Federation (ITF) sa dominanten 6-1, 6-4 panalo laban sa mas beteranong Swiss Miss na si Simona Waltert nitong Huwebes sa Mallorca, Spain.
Sabak sa ikatlong W25 tournament, walang mintis ang bawat pagbasag ng 15-anyos sa service ni Waltert, world No. 284 sa Women’s Tennis Association (WTA) tungo sa impeesibong simula sa pagtatangkang masundan ang tagumpay sa singles event ng Rafa Nadal event.
Ang naturang tagumpay nitong nakalipas na Enero ay kasaysayan sa bansa at pagtatanghal kay Eala bilang kauna-unahang Pinay na nagwagi ng singles title sa ITF event.
Sa nakalipas na dalawang W25 tournament, matikas na umabot sa quarterfinals ang premyadong tennis player ng bansa.
Hindi tumigil sa kanyang dominanteng opensa si Eala at sa kabila nang matikas na ratsada ng 20-anyos na si Waltert, nagawa niyag makahiwalay sa 4-4 all at tuldukan ang laban sa regulation.
Sunod na haharapin ni Eala, iskolar sa Rafael Nadal Academy,ang third-seeded na si Jana Fett ng Croatia sa second round.