ni Beth Camia
Walang mararanasang water shortage sa Metro Manila ngayong taon.
Ito ang tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, na sinigurong makaaasa ang mga residente ng Metro Manila ng sapat na suplay ng tubig ngayong taon habang pinabibilis ng gobyerno ang pagpapatupad ng iba’t ibang mga infrastructure projects para matugunan ang mga kinakailangan sa tubig sa rehiyon.
Ang nasabing pagtiyak ay mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng idinaos na pulong sa Malacañang ukol sa mga infrastructure projects na may kaugnayan sa water security.
“According to Metropolitan Waterworks and Sewerage System Chairman and OIC Administrator Reynaldo Velasco, we expect to have a sufficient supply of water this year in Metro Manila. Wala ho tayong water shortage dito sa Maynila,” bungad ni Nograles.