AFP
Isang lalaki ang sumaksak ng walong katao noong Miyerkules sa lungsod ng Vetlanda sa Sweden, malubhang nasugatan ang lima sa kanila sa tinawag ng pulisya na isang potensyal na terror incident.
Ang salarin ay dinala sa ospital matapos pagbabarilin sa paa ng pulisya habang dinasakip pagkaraan pag-atake.
Sinabi ng pulisya na ang lalaki na nasa 20-anyos ay gumamit ng patalim.
Sa isang press conference, nilinaw ni regional police chief Malena Grann na ang paunang pagsisiyasat ay nasa ilalim pa ng “attempted murder,” ngunit may lumitaw na mga detalye na nangangahulugang tinitingnan din nila ang “potential terror motives.”
“There are details in the investigation that have led us to investigate whether there was a terror motive,” sinabi ni Grann nang hindi nagbibigay ng mga detalye.
Idinagdag ni Grann na ang pulisya ay nagtatrabaho katuwang ang Swedish intelligence na Sapo.