ni Vanne Elaine Terrazola

Hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules sa Department of Education (DepEd) na siyasatin ang mga ulat na binabayaran ng mga magulang ang mga tao upang sagutin ang mga module sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Tinawag niya itong “sagot-for-sale”, inalala ang mga ulat mula sa isang grupo ng mga guro sa isang pagdinig ng Senate basic education committee tungkol sa pagpapatupad ng blended and distance learning modes sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“There is a what I call ‘sagot for sale’ activities na may mga parents ata nagbabayad para sagutan ‘yong mga modules,” sinabi ni Gatchalian, pinuno ng komite, sa pagpapatuloy ng public inquiry ng panel nitong Marso 3.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

“You should also look into this,” aniya kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, na kumakatawan sa ahensiya sa pagdinif.

Bilang tugon, sinabi ni San Antonio na inaasahan ng DepEd ang nasabing mga pangamba bago ito nagpatupad ng alternatibong learning modalities noong nakaraang taon. Gayunpaman, sinabi niya na ang mga naturang aktibidad ay hindi na kontrolado ng ahensya.

“We were very clear that this school year, since home-based siya, is also the best time to teach honesty to our own children,” sinabi ng Deped official.

“If the parents would want to develop cheats, hindi na po namin ‘yon masosolusyonan,” dagdag niya.