ni Johnny Dayang
MATAPOS ang matitinding insulto na lantarang ibinabato laban sa bise presidente, inamin din sa huli ng Palasyo na nangangamba si Pangulong Rodrigo Duterte na sa kabila ng umano’y pagkukulang ng una, sa huli ay susubok itong lumaban sa pagka-pangulo.
Ang pagkabahalang ito ay lumilipad sa harapan ng pambansang liderato na labis ang kumpiyansa inihahayag na ang bise presidente ay hindi karapat-dapat sa pagkapangulo. Sa kanyang bagong pahayag, inilarawan pa ni Duterte si Robredo na mala-anghel ang mukha ngunit mala-demonyo ang isip.
Ang nagpapatuloy na tiradang ito ng Palasyo ay naglalantad sa uri ng liderato na ipi-nagmamalaki ang sarili bilang mabuti kaysa iba. Sa katunayan, naging balat-sibuyas na ang panguluhan na anumang pagtatangka ng oposisyon na punahin ang anumang ma-panganib na deklarasyon ay itinuturing na isang kabobohan.
Sa gitna ng masugid na paghahayag ng galit ng pangulo, ang Palasyo, kadalasan walang pagsisi, ay walang habas na lumalagpas sa mga desenteng pahayag, marahil sa paniniwala na sa paggamit ng pangulo ng magaspang na salita at pagbabanta sa mga kaaway nakakukuha ito ng suporta. Gayunman para sa publiko ‘pikon’ ang tawag dito.
Ang paulit-ulit na patutsada sa pagitan ni Duterte at kanyang kahalili, ay katakot-takot na naglalantad sa lamat ng susunod na liderato. Bagamat iginigiit ng Palasyo na gina-gawa nito ang lahat upang matugunan ang mga isyu, bigo naman itong makatugon nang maayos sa mga simpleng katanungan kung bakit nahuhuli ang bansa sa usapin ng pagkuha ng vaccine deal.
Dapat mapayuhan ang mga tauhan ni Duterte na si Robredo, tumakbo man sa mas mataas na posisyon o hindi sa 2022, ay hindi isang malaking isyu. Ang pangunahing usapin dito ay kung bakit ang pambansang liderato, sa patuloy nitong paglalagak ng mga retiradong heneral at mayayamang kalihim, ay nasasangkot sa maraming kabalas-tugan at kapabayaan.
Kung itinuturing ng Palasyo ngayon pa lamang ang bise presidente bilang isang talunan kahit nga wala pang certificates of candidacy ang inihahain, sa kabilang bakod, ang ti-nawag na “dilawan,” ay nagsisimula nang makita ang rehimeng Duterte bilang isang “lame duck” sa mga maling hakbang na nagawa nito.
Kalaunan maaring makita ng administrasyon ang sarili na minumulto ng mga salita na bigong makalipad. Lalo na sa laban nito sa ubusin ang kurapsyon sa pamahalaan, patu-loy na iniilagan ng pangulo ang usaping ito sa muling pagtatalaga sa mga kilalang indi-biduwal na lantad ang may bahid na reputasyon.
Ang maagang pag-amin sa laro ng politika na posibleng matalo ni Robredo ang anu-mang pambato ng administrasyon ay isa ring pagkilala na ang mga isyu na kinahaharap ng susunod na liderato ay maaaring maging mahalagang salik sa hangarin upang ma-panatili ang puwersa ni Duterte. Siyempre, sa kawalan ng mahusay na makinarya, matabang bulsa upang pondohan ang kampanya, at pag-usbong ng isang malakas na koalisyon kontra Duterte, mananatiling liyamado ang namumunong partido.
Tiyak, ang dating ni Robredo ay naging isang nakababahalang usapin.