ni Leonel Abasola
Hinikayat ni Senador Grace Poe ang mga estudyante na nangangailangan ng electronic gadget na samantalahin ang loan program ng Land Bank of the Philippines (LBP) upang magkaroon ng sariling gamit sa kanilang pag-aaral.
Hiniling din ni Poe sa bangko na agad magpalabas ng kanilang mga alituntunin na dapat ay angkop at abot-kayang bayaran ng ating mga estudyante at ng sa ganoon ay marami ang mahikayat ng programa.
“For many families, the leap to digital has become prohibitively expensive. We must enable them to obtain devices as an investment for their children’s education,” ani Poe.
Sinabi ng LBP na aabot sa P50,000 bawat estudyante ang kaya nilang bigyan ng laptop, desktop o table na gamit sa online learning. Ang naturang halaga ay maaaring isama sa P150,000 pautang na inilaan sa bawat estudyante o P300,000 sa bawat magulang. Ito ay sa ilalim ng I-STUDY (Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth) Lending Program ng Land Bank.