ni Mary Ann Santiago
Pansamantalang ipinasara ng lokal na pamahalalaan ng Maynila ang Arranque Market matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang may 39 na tindero doon.
Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, muling bubuksan ang palengke sa Marso 7, Linggo.
Nagsagawa na ng disinfectioon sa loob at labas ng naturang pamilihan.
Ang vendors na nagpositibo sa virus ay kaagad na dinala sa quarantine facility upang mag-isolate at hindi na makahawa pa.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Moreno ang mga residente ng Maynila na huwag mag-relax at patuloy na sumunod sa health protocols upang hindi mahawahan ng virus.