ni Mary Ann Santiago
Inianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na magiging operational na simula sa Abril 27, 2021 ang dalawang bagong istasyon ng East Extension Project ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).
Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na ang mga bubuksang istasyon ay ang Marikina Station at Antipolo Station.
Sinabi Light Rail Transit Authority (LRTA), nangangasiwa sa LRT-2, nanhanggang nitong Enero 31, ang proyekto ay nasa 93.42 porsiyento nang kumpleto.
Seserbisyuhan ng mga bagong istasyon ang commuters mula sa Recto Ave. sa Maynila patungong Masinag sa Antipolo City at pabalik.