Ni REMY UMEREZ
BAWAT galaw ni Ella Cruz ay naka-timbre sa kanyang Instagram, YouTube, Facebook at TikTok accounts. Laging up-to-date ang kanyang 5.4 million followers sa IG.

Happy si Ella na nag-renew ng management contract sa Viva Artist Agency. Naaaliw sila sa mga larawan at videos posted by Ella. May mga bashers pero hindi ito pinapansin ni Ella. Naka-focus siya sa mga bagay na maligaya siya.
Hindi malilimutan ni Ella ang pagkakapanalo ng award sa dance tilt held last year sa Indonesia. Impressed ang miyembro ngBlackPink sa dancing skill ni Ella.
Bukod sa pagsasayaw, wish ni Ella ang gumawa ng pelikula. Last year ay hinirang si Ella bilang Cinemalaya’s best supporting actress for the movie Edward na hindi niya inaasahan.
Sa mga gustong sundan ang kanyang yapak ang payo ni Ella ay huwag i-pressure ang sarili dahil may tamang panahon sa lahat ng bagay. Huwag maapekto when people try to put you down.
Isa pang nagpapakilig sa fans ay ang duet nila ni Julian Trono na Ikaw Na Sana.