KAKAIBA at walang duda na makatutulong sa career ng mga mapalad na napili ang ‘The Apprentice: ONE Championship Edition’, ayon kay reigning ONE Heavyweight World Champion Brandon “The Truth” Vera.

“It was very educational and refreshing not to have any pressure on me in front of the camera. I got to learn a lot from the candidates. I look forward to seeing ‘The Apprentice: ONE Championship Edition,” pahayag ni Vera.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It was an honor, an absolute privilege to be standing next to greatness both in the martial arts and business worlds.”

Kasama ang 43-anyos Filipino- American mixed martial arts veteran ng mga legendary fighters na sina Georges St-Pierre, Renzo Gracie, at dating ONE Welterweight World Champion Ben Askren, gayundin ang ilang CEOs mula sa malalaking international companies sa mundo.

Kasalukuyang nasa Florida si Vera at kasamang nagsasanay sa pamosong Sanford MMA sina ONE champions Aung La N Sang at Martin Nguyen.

Kabuuang 16 kalahok na napili para magtagisan ng galing, diskarte at talino sa “The Apprentice: ONE Championship Edition” kung saan naghihintay bilang premyo ang US$250,000 job offer mula kay ONE Chairman and CEO Chatri Sityodtong.

Iginiit ni Vera na kalulugdan ng manonood ang serye kung saan pawang determinado ang lahat ng kalahok tungo sa huling labanan para mapili ang tanging panalo.

“I think the physical challenges for the candidates were something very unexpected. They were definitely not prepared even though they thought they were. It was very cool seeing some of them push beyond their limits, while some just fell apart,” sambit ni vera.

Binubuo ng 13 episodes ang unang season ng “The Apprentice: ONE Championship Edition”. Nakatakda itong ipalabas sa Asia sa Marso 18 sa AXN, at ilulunsad sa international market sa Hunyo.