NAKAUNGOS ang Laguna Heroes kontra sa Zamboanga Sultans, 2-1, sa rescheduled Armageddon tie breaker para maipagpatuloy ang kanilang pananalasa sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) at makisalo sa liderato nitong Lunes sa new online platform chess.com.
Dahil sa natamong panalo, ang Laguna Heroes na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice at ng Jolly Smile Dental Clinic ay nakisalo sa liderato sa San Juan Predators na kapwa nakapag marka ng tig 20-3 win-loss records sa Northern Division.
Bawat koponan ay nakaipon ng tig 10.5 points matapos ang resulta ng blitz at rapid play.
Pinangunahan ni Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. ang Laguna nang gapiin si National Master Joey Florendo sa 20 moves ng Queen’s Pawn Opening sa Board .
“It was tough playing against the Zamboanga Sultans. It was our first armageddon match. I am very happy since Laguna Heroes are now back on top of the standings together with San Juan Predators,” sabi ni Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Alfredo “Fred” Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina engineer Benjamin Dy, engineer Jonathan Mamaril at Mr. David Nithyananthan.
Sunod na rerendahan ng Heroes ang Rizal Batch Towers na binubuo nina IM Rolando Nolte, FM Mari Joseph Turqueza at NM Noel dela Cruz na susunod dij ng face off sa Predators nina GM Oliver Barbosa, IM Ricardo de Guzman at FM Arden Reyes