ni Annie Abad

SA pananaw ni Filipino-Australian international rising tennis player Lizette Cabrera, may kinabukasan ang Philippine tennis kay teen phenom Alex Eala.

Ayon kay Cabrera, ipinanganak at lumaki sa Australia mula sa kapwa Pinoy na magulang, na impresibo ang ipinamamalas ng 15-anyos na si Eala sa International tennis Federation (ITF) tournament.

“She is an amazing young player. I have been following her progress. She is definitely going to do some damage when she plays more and more matches on the tour,” ayon kay Canrera na kasalukuyang nasa ika-141 sa world ranking sa larangan ng tennis. Ang 23-anyos na si Cabrera ay ipinanganak sa Townsville , Australia nagsimulang lumaban sa WTA Tour noong 2016. Nitong Australian Open, matikas ang nakaharap niya sa first round kontra sa dating No.1 na si Simona Halep.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsimula ang kanyang ranking ni Cabrera sa 1062 ngunit matapos itong magwagi ng kanyang unang titulo sa professional tour noong Setyembre ng 2016 ay umakyat ito sa 257 at ngayon nga ay nasa 191 world ranking na.

Si Eala, sa kabilang banda ay nagwagi ng kanyang unang ITF singles title sa Manacor dalawang buwan na ang nakakalipas at kasalukuyang nasa 763 sa WTA.