Ni GENALYN KABILING
Inaprubahan ng pandemic task force ng gobyerno ang uniform travel protocols, para sa lupa, himpapawid at dagat sa buong bansa habang pinapanatili ang mga mahigpit na health protocols.
Kasama sa common travel protocols ang pag-aalis ng mandatory COVID-19 testing, maliban kung kinakailangan ng lokal na yunit ng gobyerno (LGU) na patutunguhan, pati na rin ang pangangailangang mag-quarantine maliban kung ang manlalakbay ay nagpapakita ng mga sintomas ng bagong coronavirus disease (COVID -19).
Ang pinakahuling desisyon sa mga alituntunin sa paglalakbay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay kasunod ng rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG), at sa koordinasyon ng mga LGU upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay sa buong bansa.
Testing at Quarantine
Sinabi ni Roque na ang testing ay hindi magiging mandatory para sa mga manlalakbay, maliban kung ang pamahalaang lokal na patutunguhan ay mangangailangan ng testing bilang isang requirement bago maglakbay, at ang ganoong ay limitado sa polymerase chain reaction (PCR) test.
Walang manlalakbay na kinakailangang sumailalim sa quarantine maliban kung nagpapakita sila ng mga sintomas sa pagdating sa lugar na pupuntahan, dagdag niya.
Minimum public health standards
Sa kabila ng magkakatulad na mga protokol sa paglalakbay, sinabi ni Roque na ang physical distancing, kalinisan ng kamay, pag-uugali sa pag-ubo, at pagsusuot ng face masks at face shields bukod sa iba pa, ay dapat na mahigpit na ipatupad sa lahat ng pagkakataon.
Sinabi ni Roque na clinical at exposure assessment ay dapat na mahigpit na ipatupad sa lahat ng ports of entry at exit. “Health assessment of passengers, supervised by medical doctors, shall be mandatory upon entry in the port/terminal and exit at point of destination,” aniya.
Mga kinakailangang dokumento
Hindi na kakailanganin ng mga manlalakbay na kumuha ng health certificate, pati na rin ang travel authority na inisyu ng Joint Task Force COVID
“APORs (Authorized Persons Outside Residence) from national government agencies and their attached agencies must provide their identification card, travel order, and travel itinerary, and must pass symptom- screening at ports of entry and exit,” sinabi ni Roque.
Contact tracing
Sinabi ni Roque na ang Safe, Swift, and Smart Passage (S-PaSS) Travel Management System ng Department of Science and Technology (DOST) ay ang magiging one-stop-shop application/ communication para sa mga manlalakbay.
Ang Traze App para sa mga paliparan, at iba pang mayroon nang mga umiiral na contact tracing applications ay dapat na isama sa StaySafe.ph System, idinagdag niya.
Mga port at terminal
Ayon kay Roque, lahat ng mga terminal ay dapat may nakatalaga ng sapat na mga quarantine at isolation facilities
“All ports and terminals shall put in place a referral system wherein travelers who become symptomatic shall be transferred to quarantine/isolation facilities to enable BOQ (Bureau of Quarantine) for airports, or local health officials in case of LGUs, to take over,” aniya.
Sa Metro Manila, sinabi niya na ang lahat ng mga bus na patungo sa mga lalawigan ay kinakailangan na gamitin ang Integrated Terminal Exchange bilang central hub para sa transportasyon.
Walang kumpanya ng bus o pampublikong transportasyon ang papayagang magamit ang kanilang mga pribadong terminal.
Sinabi din ni Roque na ang LGUs ay maaaring magbigay ng transportasyon para sa lahat ng mga manlalakbay na lumilipat mula sa isang LGU patungo sa isa pa sa mga kaso ng pagdating sa paliparan at daungan patungo sa kanilang mga patutunguhan.
“These uniform travel protocols shall be applicable to all LGUs and may be further refined and/or amended jointly by the DILG, DOH (Department of Health), DOT (Department of Tourism), DOTr (Department of Transportation), DOST (Department of Science and Technology), and the PNP (Philippine National Police), without further need of an IATF issuance. For this purpose, the aforementioned agencies as well as other identified agencies, and the local government units are enjoined to ensure smooth implementation of these protocols,” mababasa sa IATF Resolution No. 101.