ni Raymund Antonio
Maaaring makakuha ang Pilipinas ng libreng bakuna sa COVID-19 para sa 15 porsyento ng populasyon nito sa pamamagitan ng pasilidad ng COVAX ng United Nations (UN), sinabi ni Secretary Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. nitong Sabado, Pebrero 27.
Sa may 109 milyong mga Pilipino sa tala nitong 2020, 15 porsyento ang bumubuo sa 16,350,000 ng populasyon.
“PH is one 92 countries COVAX eligible to get free vaccines for 15 percent of its population. I donated US$100,000. Also taking part in COVID 19 ASEAN RESPONSE FUND. I donated US$100,000. PH vaccine rollout underway, first shots first week of March. WHO confirmed we are ready,” ipinaskil niya sa Twitter.
Ang COVAX ay isang pasilidad ng United Nations na nagbibigay ng pag-access sa ligtas at mahusay na mga bakuna para sa mga ekonomiya na may mas mababang kita.
Nakatakda sanang tanggapin ng Pilipinas ang 117,000 dosis ng mga bakuna sa COVID-19 mula sa Pfizer / BioNTech noong kalagitnaan ng Pebrero ngunit dagil sa kawalan ng indemnification requirements ay naantala ito.
Sa halip, makatatanggap ang bansa ng halos 600,000 dosis ng mga bakunang Sinovac ng China sa Linggo, Peb. 28. Sinabi ni Locsin na malugod nilang tatanggapin ni Pangulong Duterte ang pagdating.
Ipinaliwanag ni Locsin na mayroong dalawang paraan upang makakuha ng mga bakuna mula sa pasilidad ng COVAX.
Ang una ay isang “fully subsidized, donor-funded does (for PH: 117,000 indicative doses of Pfizer/BioNTech and 5,500,800 indicative doses of AstraZeneca from AstraZeneca-SKBio)” at ang pangalawa ay ang top-up doses na “are full[y] paid through cost-sharing contributions” sa Asian Development Bank at sa World Bank.
Bukod sa mga aktuwal na bakuna, ang top-up financing ay sasakupin din ang ultra cold chain / cold chain na kagamitan, delivery, at logistics, kung saan sinabi ni Locsin na maaaring mangyari ang “kickbacks.”
“We will keep you the public informed so you will know what to do until the vaccines get here and what to expect when they get here & there’s still a fuck up. There will be hell to pay,” tweet ni Locsin.
Sinabi niya na si President Rodrigo Duterte ay “sick and tired of delay.”
“DFA is doing its job; (Carlito) Galvez straining every neuron and muscle to get it done fast but he is not the Czar of Everything. There’s no one better for the job he’s got.”