GENEVA (AFP) — Madamdaming nakiusap ang Myanmar ambassador to the United Nations nitong Biyernes para sa international community na gumawa ng “strongest possible action” upang wakasan ang pamamahala ng junta sa bansa.
Basag ng boses ni Kyaw Moe Tun na emosyonal na nagsalita laban sa rehimeng militar na nagpatalsik sa inihalal na sibilyang pamahalaan ng bansa sa kudeta noong Pebrero 1.
Napakabihira para sa isang kinatawan na kumalas sa mga pinuno ng bansa na kinakatawan nila sa panahon ng isang pahayag sa UN General Assembly. Ginawa pa ng ambassador ang three-finger salute na ginamit ng pro-democracy protesters sa mga demonstrasyon sa kalye laban sa junta, matapos ang kanyang talumpati sa isang mensahe sa Burmese.
“We need... the strongest possible action from the international community to immediately end the military coup, to stop oppressing the innocent people, to return the state power to the people, and to restore the democracy,” sumamo niya.
Umapela siya para sa mga bansa na huwag kilalanin ang rehimen ng militar o makipagtulungan dito at hiniling sa kanila na hingin na igalang ng junta ang demokratikong halalan noong nakaraang taon. Hinimok din ng envoy ang mga bansa na “take all stronger possible measures” upang ihinto ang marahas na kilos na ginawa ng security forces laban sa mga mapayapang demonstrador.
“We will continue to fight for a government, which is, of the people by the people, for the people,” wika niya. Ang talumpati ng diplomat ay sinalubong ng mainit na palakpakan sa silid, at binati siya ng mga kapwa diplomat.
“I applaud my colleague Ambassador Kyaw Moe Tun today on his courageous and powerful statement,” tweet ni British ambassador Barbara Woodward.
Ang huling pagkakataon na tumiwalag ang isang ambassador sa pinuno ng kanilang bansa ay noong 2011 nang tinuligsa ng kinatawan ng Libya ang pinunong diktador na si Moamer Kadhafi.