SAN FRANCISCO (AFP) — Maging ang dating New York Knicks star na si Jeremy Lin ay biktima nang lumalaganap na racism sa mga Asian Americans sa Amerika.

Sa kanyang social media account, ibinahagi ni Lin, napatanyag sa NBA sa bansag na ‘Linsanity’ sa kataasan ng career sa Knicks bago na-dropped at nagdesisyong magaro sa China, ang natatanggap na pang-aabuso sa kanyang paglalaro sa kasalukuyan sa Warriors sa G League,

Kinondena ito ni Golden State coach Steve Kerr ay nagpahayag ng suporta kay Lin at sa iba pang Asian American na kasalukuyan ngayong nakararanas ng racism sa Amerika.

Ilang Pinoy na naninirahan sa US ang nagging biktima na rin ng naturang racism na ngayon ay sentro ng usapin sa komunidad at sa pamahalaan ng bagong halal na si Joe Bedin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Lin, tinatawag siyang ‘coronavirus’ ng mga fans.

“Being an Asian American doesn’t mean we don’t experience poverty and racism. Being a 9-year NBA veteran doesn’t protect me from being called ‘coronavirus’ on the court,” pahayag ni Lin.

Samantala, naitala ng Golden State Warriors ang ikatlong sunod na panalo nang pabagsakin ang Charlotte Hornets, 130-121.

HEAT 124, JAZZ 116

Sa Miami, naitala ni Jimmy Butler sang season-high 33 puntos, habang kumana si reserve Goran Dragic ng season-best 26 para sandigan ang Heat sa impresibong panalo laban sa NBA best team Utah Jazz (26-7).

“A high-level game,” sambit ni Heat coach Erik Spoelstra.

Nagambag si Bam Adebayo ng 19 puntos at 11 rebounds para sa Miami, nagwagi sa ikalimang sunod na laro. Kumabig din sina Duncan Robinson at Kendrick Nunn ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

CLIPPERS 119, GRIZZLIES 99

Sa Memphis, ginapi ng Los Angeles Clippers, sa pangunguna ni Kawhi Leonard na kumana ng 30 puntos, ang Grizzlies.

Nag-ambag sina Terance Mann, Nicolas Batum at Paul George ng tig-13 puntos.

“We wanted to come out tonight with a hit-first mentality,” sambit ni Leonard.

KINGS 110, PISTONS 107

Sa Detroit, hataw si De’Aaron Fox sa naiskor na 27 puntos para tuldukan ang nine-game losing skid ng Sacramento Kings laban sa Pistons.

Nabitiwan ng Sacramento ang tangan na 17-point na bentahe sa first-quarter, ngunit nagpakatatag sa final period tungo sa panalo.

CELTICS 118, PACERS 112

Sa Boston, nagsalansan si Kemba Walker ng season-high 32 points para sandigan ang Celtics laban sa Indiana Pacers at tukdukan ang three-gane losing skid.

Hataw din si Daniel Theis na may 17 puntos at tumipa si Jaylen Brown ng 15 puntos.

“It felt good,” sambit ni Walker. “We played hard. We had a slow start, but we stayed together. That was the best part about it.”